← Psalms (97/150) → |
1. | Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. |
2. | Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan. |
3. | Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot. |
4. | Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan: nakita ng lupa, at niyanig. |
5. | Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa. |
6. | Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian. |
7. | Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan: kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios. |
8. | Narinig ng Sion, at natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak; dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon. |
9. | Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios. |
10. | Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama. |
11. | Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso. |
12. | Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan. |
← Psalms (97/150) → |