← Psalms (85/150) → |
1. | Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob. |
2. | Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah) |
3. | Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit. |
4. | Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin. |
5. | Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi? |
6. | Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo? |
7. | Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas. |
8. | Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan. |
9. | Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain. |
10. | Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan. |
11. | Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit. |
12. | Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga. |
13. | Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas. |
← Psalms (85/150) → |