← Psalms (82/150) → |
1. | Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios. |
2. | Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah) |
3. | Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. |
4. | Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama, |
5. | Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos. |
6. | Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan. |
7. | Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo. |
8. | Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa. |
← Psalms (82/150) → |