← Psalms (8/150) → |
1. | Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. |
2. | Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. |
3. | Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; |
4. | Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? |
5. | Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. |
6. | Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: |
7. | Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; |
8. | Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. |
9. | Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! |
← Psalms (8/150) → |