← Psalms (67/150) → |
1. | Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) |
2. | Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa. |
3. | Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. |
4. | Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah) |
5. | Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. |
6. | Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami. |
7. | Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya. |
← Psalms (67/150) → |