← Psalms (60/150) → |
1. | Oh Dios, iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami; ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami. |
2. | Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka: pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga. |
3. | Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay: iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray. |
4. | Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo, upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah) |
5. | Upang ang iyong minamahal ay makaligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. |
6. | Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth, |
7. | Galaad ay akin, at Manases ay akin; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo; Juda ay aking setro. |
8. | Moab ay aking hugasan; sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak; Filistia, humiyaw ka dahil sa akin. |
9. | Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? |
10. | Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios? At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo. |
11. | Tulungan mo kami laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao. |
12. | Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yumayapak sa aming mga kaaway. |
← Psalms (60/150) → |