← Psalms (48/150) → |
1. | Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. |
2. | Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. |
3. | Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. |
4. | Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama. |
5. | Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas. |
6. | Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. |
7. | Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis. |
8. | Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) |
9. | Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo. |
10. | Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran. |
11. | Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan. |
12. | Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon. |
13. | Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi. |
14. | Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan. |
← Psalms (48/150) → |