← Psalms (47/150) → |
1. | Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. |
2. | Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya'y dakilang Hari sa buong lupa. |
3. | Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa. |
4. | Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah) |
5. | Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak. |
6. | Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri. |
7. | Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa. |
8. | Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan. |
9. | Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi. |
← Psalms (47/150) → |