← Psalms (3/150) → |
1. | Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. |
2. | Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) |
3. | Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. |
4. | Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) |
5. | Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. |
6. | Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. |
7. | Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. |
8. | Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah) |
← Psalms (3/150) → |