← Psalms (20/150) → |
1. | Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob; |
2. | Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion; |
3. | Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah) |
4. | Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo. |
5. | Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi. |
6. | Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay. |
7. | Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios. |
8. | Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid. |
9. | Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag. |
← Psalms (20/150) → |