← Psalms (150/150) |
1. | Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. |
2. | Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan. |
3. | Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa. |
4. | Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta. |
5. | Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo. |
6. | Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon. |
← Psalms (150/150) |