← Psalms (129/150) → |
1. | Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel, |
2. | Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin. |
3. | Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal. |
4. | Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama. |
5. | Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion. |
6. | Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki: |
7. | Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan. |
8. | Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon. |
← Psalms (129/150) → |