← Psalms (128/150) → |
1. | Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. |
2. | Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. |
3. | Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. |
4. | Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon. |
5. | Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. |
6. | Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel. |
← Psalms (128/150) → |