← Psalms (126/150) → |
1. | Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip. |
2. | Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay. |
3. | Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa. |
4. | Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan. |
5. | Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan. |
6. | Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas. |
← Psalms (126/150) → |