← Psalms (121/150) → |
1. | Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? |
2. | Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. |
3. | Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. |
4. | Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. |
5. | Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. |
6. | Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. |
7. | Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. |
8. | Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man. |
← Psalms (121/150) → |