← Psalms (120/150) → |
1. | Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako. |
2. | Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila. |
3. | Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila? |
4. | Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro. |
5. | Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! |
6. | Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. |
7. | Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma. |
← Psalms (120/150) → |