← Psalms (113/150) → |
1. | Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon. |
2. | Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man. |
3. | Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin, |
4. | Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit. |
5. | Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas, |
6. | Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa? |
7. | Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi; |
8. | Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo, sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan. |
9. | Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon. |
← Psalms (113/150) → |