← Proverbs (30/31) → |
1. | Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; ang sanggunian. Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal: |
2. | Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman, at walang kaunawaan ng isang tao: |
3. | At hindi ako natuto ng karunungan, ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal. |
4. | Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? |
5. | Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya. |
6. | Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling. |
7. | Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay. |
8. | Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko: |
9. | Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, sino ang Panginoon? O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako, at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios. |
10. | Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon, baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin. |
11. | May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama. At hindi pinagpapala ang kanilang ina. |
12. | May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan. |
13. | May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas. |
14. | May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao. |
15. | Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, siya na: |
16. | Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na. |
17. | Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila. |
18. | May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman: |
19. | Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga. |
20. | Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan. |
21. | Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala: |
22. | Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain; |
23. | Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae. |
24. | May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas: |
25. | Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit; |
26. | Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato; |
27. | Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong; |
28. | Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya. |
29. | May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad: |
30. | Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man; |
31. | Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: at ang hari na hindi malalabanan. |
32. | Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, o kung ikaw ay umisip ng kasamaan, ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig. |
33. | Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan. |
← Proverbs (30/31) → |