← Job (6/42) → |
1. | Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, |
2. | Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. |
3. | Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. |
4. | Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. |
5. | Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? |
6. | Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? |
7. | Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin. |
8. | Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! |
9. | Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! |
10. | Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. |
11. | Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? |
12. | Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? |
13. | Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin? |
14. | Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. |
15. | Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago; |
16. | Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve: |
17. | Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. |
18. | Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. |
19. | Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. |
20. | Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig. |
21. | Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. |
22. | Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? |
23. | O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? |
24. | Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. |
25. | Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? |
26. | Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. |
27. | Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. |
28. | Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. |
29. | Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. |
30. | May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay? |
← Job (6/42) → |