← Job (40/42) → |
1. | Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi, |
2. | Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito. |
3. | Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, |
4. | Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig, |
5. | Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot: Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy. |
6. | Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, |
7. | Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin. |
8. | Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap? |
9. | O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya? |
10. | Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan. |
11. | Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya. |
12. | Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan. |
13. | Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako. |
14. | Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan. |
15. | Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. |
16. | Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. |
17. | Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran. |
18. | Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal. |
19. | Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya. |
20. | Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang. |
21. | Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak. |
22. | Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis. |
23. | Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga. |
24. | May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo. |
← Job (40/42) → |