← Job (28/42) → |
1. | Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan. |
2. | Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato. |
3. | Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman. |
4. | Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito. |
5. | Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy. |
6. | Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto. |
7. | Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon: |
8. | Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon, |
9. | Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok. |
10. | Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay. |
11. | Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag. |
12. | Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? |
13. | Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay. |
14. | Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin. |
15. | Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon. |
16. | Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro. |
17. | Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto. |
18. | Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi. |
19. | Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto. |
20. | Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? |
21. | Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid. |
22. | Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon. |
23. | Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon. |
24. | Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit; |
25. | Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan. |
26. | Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog: |
27. | Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat. |
28. | At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa. |
← Job (28/42) → |