← Job (17/42) → |
1. | Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin. |
2. | Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi. |
3. | Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin? |
4. | Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas. |
5. | Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata. |
6. | Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha. |
7. | Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino. |
8. | Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal. |
9. | Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas. |
10. | Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo. |
11. | Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso. |
12. | Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman. |
13. | Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: |
14. | Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae; |
15. | Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita? |
16. | Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. |
← Job (17/42) → |