← 1Corinthians (16/16) |
1. | Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia. |
2. | Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko. |
3. | At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem: |
4. | At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko. |
5. | Nguni't ako'y paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia; |
6. | Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon. |
7. | Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon. |
8. | Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes; |
9. | Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway. |
10. | Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman: |
11. | Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid. |
12. | Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon. |
13. | Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas. |
14. | Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa. |
15. | Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal), |
16. | Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal. |
17. | At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila. |
18. | Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon. |
19. | Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay. |
20. | Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal. |
21. | Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay. |
22. | Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha. |
23. | Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa. |
24. | Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa. |
← 1Corinthians (16/16) |