| ← Psalms (87/150) → |
| 1. | Ang kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok. |
| 2. | Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion, ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob. |
| 3. | Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo, Oh bayan ng Dios. (Selah) |
| 4. | Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin: narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia; ang isang ito ay ipinanganak diyan. |
| 5. | Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; at itatatag siya ng Kataastaasan. |
| 6. | Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang isinulat ang mga bayan, ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah) |
| 7. | Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi, lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo. |
| ← Psalms (87/150) → |