| ← Psalms (130/150) → |
| 1. | Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. |
| 2. | Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik. |
| 3. | Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? |
| 4. | Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan. |
| 5. | Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. |
| 6. | Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. |
| 7. | Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. |
| 8. | At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan. |
| ← Psalms (130/150) → |