| ← Psalms (123/150) → |
| 1. | Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit. |
| 2. | Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin. |
| 3. | Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin: sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan. |
| 4. | Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo. |
| ← Psalms (123/150) → |