| ← Psalms (118/150) → |
| 1. | Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
| 2. | Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
| 3. | Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
| 4. | Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
| 5. | Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. |
| 6. | Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? |
| 7. | Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. |
| 8. | Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao. |
| 9. | Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo. |
| 10. | Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
| 11. | Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
| 12. | Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
| 13. | Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon. |
| 14. | Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. |
| 15. | Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. |
| 16. | Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. |
| 17. | Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon. |
| 18. | Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan. |
| 19. | Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon. |
| 20. | Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid. |
| 21. | Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. |
| 22. | Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. |
| 23. | Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. |
| 24. | Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan. |
| 25. | Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. |
| 26. | Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon. |
| 27. | Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana. |
| 28. | Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka. |
| 29. | Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
| ← Psalms (118/150) → |