| ← Psalms (114/150) → |
| 1. | Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika; |
| 2. | Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop. |
| 3. | Nakita ng dagat, at tumakas; ang Jordan ay napaurong. |
| 4. | Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa. |
| 5. | Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong? |
| 6. | Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa; sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa? |
| 7. | Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng Dios ni Jacob; |
| 8. | Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato. Na bukal ng tubig ang pingkiang bato. |
| ← Psalms (114/150) → |