| ← Psalms (110/150) → |
| 1. | Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. |
| 2. | Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. |
| 3. | Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan. |
| 4. | Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech. |
| 5. | Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot. |
| 6. | Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain. |
| 7. | Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo. |
| ← Psalms (110/150) → |