| ← Job (25/42) → |
| 1. | Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, |
| 2. | Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako. |
| 3. | May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag? |
| 4. | Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae. |
| 5. | Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin: |
| 6. | Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod! |
| ← Job (25/42) → |